Wednesday , December 7 2022

Binoe, kinompirmang si Angel ang bibida sa Darna  movie

HAYAN, kinompirma na mismo ni Robin Padilla na si Angel Locsin ang gaganap sa Darna movie na matagal nang pinaplano ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Madamdamin ang birthday wish ni Robin sa kapwa niya judge sa Pilipinas Got Talent Season 5 noong Sabado, Abril 23 na live episode sa Taytay, Rizal. Sabi ng aktor, “ang kahilingan ko naman sa Maykapal ay gumaling ka na para magawa mo na ‘yung ‘Darna’,” na sinagot naman kaagad ni Angel ng, ‘korek!’

Aliw ang sagot ni Angel na pakiwari namin ay nabigla at nawala sa isip din nila ni Robin na wala pang anunsiyo ang Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna.

Ilang beses na namin itong nasulat na si Angel talaga ang gaganap na Darna kaya nga siya nagpapagamot sa Singapore dahil minamadali na rin siya ng Star Cinema dahil nga walang ibang mapili para sa role maski na marami ng nag-audition.

Maine, basher noon ni Jennylyn 

MATINDI ang loyalistang supporters ni Jennylyn Mercado dahil nahalukay pa nila ang tweet ni Maine Mendoza o mas nakilala bilang si Yaya Dub na almost seven years ago pa.

Hindi naman siguro akalain ni Maine na papasukin niya ang showbiz kaya nag-tweet siya ng, @mainedcm, “@kuhletkismet Lam mo yung One Night Only ba ‘yun? Si Jennilyn Mercadowwww. Ganon, ampanget nga eL” noong 12/26/09 (December 26, 2009) sa ganap na 6:23 AM.

Ipinadala sa amin ng Jennylyn Defenders ang screenshot ng tweet ni Maine na may 3.64M followers.

Pagtatanggol ng Jennylyn supporters, “Karma is coming. Kung gaano kabilis ka sumikat, ganun ka rin kabilis lalagpak.  We love you Jennylyn!” na sinegundahan pa ng ibang fans ng aktres.

Hindi kaya uminit ang ulo ng loyalistang supporters ni Jennylyn dahil siguro nakarinig sila ng feedback at may nakarating din sa amin na dapat si Maine ang leading lady ni Alden Richards sa My Love from the Star at hindi si Jen?

May punto rin naman ang fans ng AlDub dahil sina Alden at Maine ang loveteam.

Noon pa pala nabalitaan ng AlDub fans ang remake ng Pinoy version ng Koreanovelang My Love from the Star at sa katunayan ay gumawa sila ng trailer para rito noon pang nakaraang taon.

Ang nasabing video clips na binuo ng fans ay mula sa music video ni Alden at sa debut video ni Maine.

May gagawin namang movie sina Alden at Maine kaya siguro hindi na sila ang magkasama sa My Love from the Star na ididirehe ni Binibining Joyce Bernal.

Sam, ‘di raw nag-effort sa pamilya nila kaya ‘di nagustuhan ni Anne

WALANG effort si Sam Concepcion para pakisamahan ang pamilya ng ex-girlfriend niyang si Jasmin Curtis Smith kaya hindi boto sa kanya si Anne Curtis Smith.

Sa nakaraang guesting ng magkapatid na Anne at Jasmin sa post birthday episode ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, Abril 24 ay napaamin ng TV host/actor kung bakit hindi type ng una si Sam.

Nabanggit nga ni Anne na never niyang nakitaan ng effort ang dating boyfriend ng kapatid niya kaya naman noong nagpang-abot sila sa party ni Vice dalawang taon na ang nakararaan sa isang club sa BGC o Bonifacio Global City ay nasabihan niya si Sam ng, “why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

Nabanggit ding pinagsabihan ni Anne na huwag lolokohin ni Sam ang kapatid niyang si Jasmin.

Pagkatapos ng confrontation scene nina Anne at Sam ay nabalitang nag-aaway parali ang kapatid niya at ex-boyfriend nito hanggang sa naghiwalay na.

At ang itinurong dahilan ay si Anne kaya naghiwalay sina Jasmin at Sam, pero kaagad naman itong klinaro ng batang aktres dahil sarili raw niyang desisyon iyon.

At sa bagong boyfriend ni Jasmin na si Jeff Ortega ay aminado si Anne na boto siya para sa kapatid, “masaya ako. Mabait talaga. Parang nakilala ko na siya before pa. Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy Cute.”

Samantala, si Jasmin naman ang tinanong ni Vice kung sino sa mga naging boyfriend ng ate Anne niya ang sobra nitong iniyakan?

“’Yung kapangalan din ng ano ko (ex-boyfriend), si Sam (Milby).”

Napangiti lang si Anne habang tawa naman ng tawa si Vice sa pambubuking ni Jasmin.

Kuwento pa ni Jasmin na si Sam Milby daw ay todo effort sa panliligaw nito sa magulang nila at sa mga kapatid nila kaya nagustuhan nila ang aktor.

Kaya bumoto na raw siya kay Sam at ang pinaka-ayaw niyang boyfriend daw noon ng Ate Anne niya ay si Oyo Boy Sotto dahil pasaway daw at dahil bata pa si Jasmin noon at nakakuwentuhan naman niya ang hubby ngayon ni Kristine Hermosa kaya nagustuhan na rin niya.

In fainess, magaganda ang mga naging girlfriend ni Oyo simula kay Anne, Angel Locsin, at ang napangasawa niyang si Kristine.

Going back to Jasmin, maski raw off age na siya ay parati pa rin siyang binabantayan ng ate Anne niya kaya minsan ay tumatakas siya.

Katwiran naman ni Anne, gusto lang niyang mapangalagaan ang kapatid kasi nga naranasan na niya lahat iyon at natuto na siya.

About Reggee Bonoan

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply