TATAKBONG Mayor ng Angeles City si Senator Lito Lapid ngayong coming election. Type niyang mapalapit muli sa mga kababayan sa Porak, Pampanga.
Si Tourism official Mark Lapid naman ang tatakbong senador at nais pumalit sa kanyang ama.
Si Congressman Lani Mercado naman ay tatakbo sa Bacoor, Cavite bilang mayor. Si Jason Abalos ay tatakbong konsehal ng Pantabangan, Nueva Ecija, si Roderick Paulate ay konsehal sa Quezon City, at si Imelda Papin ay kongresista sa Camarines Sur.
Sana huwag dumating ang pagkakataong, maubusan ng artista dahil lahat ay nasa politika na. Sabi nga, where the grass is greener, doon tayo go.
SHOWBIG – Vir Gonzales