Sunday , June 16 2024

Melai, iniluwal na ang anak nila ni Carlo

HUWAG palampasin ang pag-uumpisa ng bagong yugto sa buhay ni Maricel (Melai Cantiveros) sa pagluwal niya sa kanyang anak sa Kapamilya primetime serye na We Will Survive.

Bagamat wala sa kanilang tabi ang ama ng bata na si Pocholo (Carlo Aquino), sasalubungin naman ito ni Maricel na kasama ang best friend na si Wilma (Pokwang).

At sabay naman sa panganganak ni Maricel ay ang tuloy-tuloy na pagkakalapit ng loob nina Wilma at Edwin ngayon ngang magiging magkapitbahay ang dalawa at mas magkakaroon pa ng pagkakataong magkakilanlan at magkausap.

Samantala, mas kakikiligan naman ng mga manonood sina Jenny (Maris Racal) at Ralph (McCoy De Leon) sa pag-amin ng huli para sa kanyang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Inaabangan na rin ito online lalo na ng fans ng kanilang tambalan na kung tawagin ay McRis.

Paano mababago ng pagdating ng anak ni Maricel ang buhay nila? Ano kaya ang mga pagsubok na kanilang haharapin sa pagpapalaki sa sanggol? Dumating na kaya ang takdang panahon sa pagkikita nina Maricel at Pocholo?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167)

( ROLDAN CASTRO )

About Roldan Castro

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *