HINDI nauubusan ng raket ang Eat Bulaga baby na si Paolo Ballesteros. Hindi naming akalaing magiging isang magaling na komedyante ang dating That’s Entertainmentbaby noon.
Bukod sa pagpapatawa, marunong ding kumanta at sumayaw ang actor na nagmula sa Talavera, Nueva Ecija.
Sa Eat Bulaga, umaagaw ng eksena si Paolo sa pagkokomedya. Ginaya nga niya ang histura ni Yaya Dub at mismong si Maine Mendoza ay namangha. Isa rin siyang magaling na make-up artist at natutularan kahit sinong irekomendang celebrities na gustong ipagaya.
Masuwerte si Paolo, napunta siya sa Eat Bulaga. Kahit walang teleserye tuloy-tuloy ang raket.
SHOWBIG – Vir Gonzales