Ang Zodiac Mo (February 05, 2016)

00 zodiacAries  (April 18-May 13) Mainam ang sandaling ito sa pakikisalamuha sa mga kaibigan at pagkakaroon ng bagong mga kakilala.

Taurus  (May 13-June 21) Posibleng tumanggap ng malaking halaga. Maaaring ang iyong regular salary at bonus.

Gemini  (June 21-July 20) Mainam ang sandaling ito sa pagpapasimula ng ano mang proyekto na nais mong pamahalaan nang personal.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Paborable ang sandali ngayon sa malayong pagbiyahe at paglahok sa mga aktibidad sa inyong komunidad.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ikaw ay higit na magiging matulungin at hindi lamang itutuon ang pansin sa sariling problema.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Magiging maayos ang iyong pakikisalamuha sa iyong nakatataas sa tungkulin sa trabaho.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Mas lalo pang titindi ang koneksiyon mo sa mahalagang mga tao sa mundo ng negosyo.

Scorpio  (Nov. 23-29) Ang mga praktikal na isyu ay dapat agad na resolbahin upang hindi na tumindi pa.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Perpekto ang sandaling ito sa paglulunsad ng ano mang uri ng proyekto.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Subukang ibahin ang pamamaraan sa pagpapatupad ng mga gawain upang hindi mabagot.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Higit kang magiging masigasig ngayon. Higit ang inspirasyon sa pagpapatupad ng mga gawain.

Pisces  (March 11-April 18) Higit mong mauunawaan ang iyong sariling pangangailangan at tiyak na ito’y iyong matutugunan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Natural ang iyong taglay na talento sa sining. Pagyamanin mo pa ito.

ni Lady Dee