Wednesday , April 17 2024

Feng Shui crystals

00 fengshuiANG dalawang rose quartz hearts ay kadalasang inilalagay sa Southwest feng shui area ng bahay upang maisulong ang happy energy sa love relationship. Kadalasang ang full bowl ng rose quartz crystals ay inilalagay sa bedroom bilang feng shui love cure.

Kung ang inyong anak ay nahihirapang mag-concentrate at nagiging overexcited, ang ilang piraso ng hematite ay makatutulong upang mai-ground at maisentro ang kanyang enerhiya. Maaari itong ilagay sa child’s room o sa West (Childrend and Creativity) feng shui area ng bahay. Ang tumbled hematite ay kadalasang ginagamit sa feng shui para mai-ground at maisentro ang enerhiya, gayondin bilang proteksiyon.

Ang good feng shui use ng black tourmaline, obsidian at hematite ay sa font door para mapakinabangan ang kanilang protective qualities. Maaaring maglagay ng ilang tumbled hematites o black tourmaline stones sa labas o sa loob ng front door sa ‘visually pleasing way.’ Halimbawa, kung mayroong malaking pots na may halaman sa magkabilang panig ng main door, maaaring ilagay ang stones sa ibabaw ng lupa o sa base ng plant pot.

Ang blue kyanite at citrine ay dalawang crystals na hindi na kailangan ng ‘cleansing’ dahil sinisipsip ng mga ito ang negative energy.

Maaaring gumamit ng blue kyanite para sa proteksiyon at relaxation/stress relief, habang ang citrine ay isa sa classical feng shui cures na naghihikayat ng yaman. Mapalalakas ang healing energy ng blue kyanite sa pamamagitan ng paggamit nito – sa jewelry o sa decor displays – kasama ng clear quartz crystals. Ang abundant energy ng citrine ay maaaring mapalakas sa pamamagitan ng paggamit nito kasama ng rich fiery color stones katulad ng carnelian, red agate, jasper, at tiger’s eye.

Mainam na ‘linisn’ agad ang crystals makaraang mabili o matanggap ito bilang regalo. Ang crystal cleansing ang magre-reset ng kanilang vibrations para matanggap ang kanilang bagong tahanan at bagong may-ari. Ang crystals ay dapat na i-clean nang regular, gayondin ay itrato sa magalang at mapagmahal na pamamaraan.

Maaaring linisin ang crystals sa maraming paraan, sa paglublob sa pure water (may asin o walang asin), o sa smugding habang nagsasagawa ng space clearing sessions.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Krystall Herbal, Rider

Rider na muntik ma-heat stroke iniligtas ng Krystall Herbal Oil at mga payo at turo ni Fely Guy Ong

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *