Wednesday , December 11 2024

Piolo, sobrang humanga sa ganda ng istorya at pagkakadirehe ng Honor Thy Father

122215 piolo pascual lloydie

00 fact sheet reggee“RUTHLESS” ito ang paglalarawan ni Piolo Pascual kay Direk Erik Matti nang kunan siya ng komento pagkatapos ng advance screening ng Honor Thy Father na ginanap sa Dolphy Theater noong Linggo.

Panay ang iling ng aktor dahil sobrang ganda ng pelikula ni John Lloyd Cruz na mapapanood na sa December 25.

“Pumasok kasi ako sa sinehan ng walang iniisip. I read the script, pero hindi ko ini-expect ang turn of events, ang sakit (kuwento).

“I’m a movie fan, so when you ask me about the story, parang dinadala talaga ako. In times like this, talagang nangyayari ang mga ganitong bagay.

“But it’s really worth watching, hindi sayang ‘yung money mo.

“I can say about direk Erik is a ruthless director, sa mounting niya, sa execution, he really place you there (masikip), ako kasi may pagka-claustrophobic pa naman ako, so sabi ko hindi ko yata kaya ‘yung nasa ilalim sila (ilalim ng tulay), pero it was so real, smell it (amoy kanal), so parang nandoon ka rin, involved ka na rin. Ang ganda ng pagkakagawa, it’s another masterpiece of direk Erik,” komento ni Piolo.

Mas naunang nakatrabaho ni Piolo si direk Erik kaysa kay Lloydie sa OTJ o On The Job kasama sina Gerald Anderson, Rayver Cruz, at Joel Torre kaya masaya ang una na nakatrabaho rin ni JLC ang nasabing direktor.

“Because we’re supposed to do ‘On The Job’, I really wanted the film because I want to see kung ano ‘yung ginawa ni direk Erik at saka si Lloydie, eh, si Lloydie naman wala kang tulak kabigin, he really does his own, mixed his own so ibang klase talaga, pinipigilan ko lang ‘yung sarili ko kanina.

“Sa mata palang ni Lloydie, panalo ka na, magaling siyang magdala ng eksena, magaling siyang magdala ng istorya together with Meryl Soriano, sa kanila umiikot ang istorya, ‘di ba? Talagang dadalhin ka nila sa kuwento hanggang sa katapusan.

“I definitely recommend for people to watch the film, kasi as much as a sad story, it’s a film na masasabing kuwento itong nangyayari hindi kasi ito ginagawa, common term na it’s out of the box, para ma-educate ka, you wanna be entertain but you wanna learn, so this film will give you that and more,” mahabang pahayag ng aktor.

Iisa ang komento ng lahat na malaking sugal ang pagpapalabas ng Honor Thy Father ngayong Metro Manila Film Festival o araw ng Pasko dahil ang moviegoers ang gusto nila ay saya- sayahan lang o kaya ang nakaugaliang takutin ang sarili at hindi para mamroblema sa mga sitwasyong nangyayari sa araw-araw.

“Actually, nakatatakot, sabi ko (nga), Pasko? Pero well-made, well-crafted, it’s a treat to the moviegoers kasi para Pasko naman, so we have the time to think, bakasyon naman tayo so gusto nating mag-enjoy, gusto nating ma-experience ‘yung galing ni John Lloyd, galing ni Meryl and ni Tito Pip (Tirso Cruz lll) was so good, all of them.

“Siyempre, si direk Erik Matti whom I love working with that’s why I love watching all his movies kasi hindi siya nakikipag-compromise, he doesn’t compromise (artista), he really shows whats he really thinks its right, what he really thinks the film need and show it to the people and the story itself.

“It’s something na kailangang ma-experience sa generation natin kaya hindi mo dapat palampasin ang mga ganitong klaseng istorya and it’s a showcase ng John Lloyd, direk Erik, Meryl Soriano, all of them,” say ni Piolo.

At ang masasabi ni Piolo sa script ng Honor Thy Father, “masakit ‘yung istorya, masakit masyado, pero tama lang naman, ganoon talaga, pero nakatutuwa siya kasi hindi nag-isip si direk Erik na i-please ‘yung audience, ginawa niya ‘yung pelikula because he wants the film, he wants the story to be told.”

Nabanggit pa ni Piolo na hindi na dapat kina-classify ang pelikula na isang indi o mainstream dahil pareho lang naman daw itong pelikula or film.

“I think that’s what we wanna do bilang mga mainstream actors, even the indi actors are actors, we are all actors, so I don’t think there’s a different between and indi and mainstream film because pareho lang naman itong pelikula, that’s what we want to achieve,” katwiran ng aktor.

Pero nabanggit din ni Piolo na kailangang kumita ang lahat ng pelikula para hindi mawalan ng producers na magpo-produce ng pelikulang makabuluhan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *