Saturday , November 27 2021

Pansamantalang pagkabalahaw

122215 nlexAKALAIN mo yun!

Wala na ngang mapapala pa ang NLEX sa pagsungkit ng panalo ay ibinigay pa ng Road Warriors ang makakaya nila upang palungkutin ang Pasko  ng Rain Or Shine Elasto Painters.

Nagbalik ang NLEX sa 13 puntos na kalamangan ng Rain Or Shine sa dulo ng third quarter upang pataubin ang Elasto Painters, 111-106 noong Sabado. Bunga ng pagkatalo ay nabigo ang Rain Or Shine na makadiretrso sa semifinals.

Kung nagwagi kasi ang Rain Or Shine ay magkakaroon ng three-way tie para sa unang puwesto na kabibilangan ng Rain Or Shine, Alaska Milk at San Miguel Beer.

Dahil tinalo ng Elasto Painters ang Aces at Beermen, automatic na No. 1 sila at pasok agad  sa semis. Magkakaroon sana ng playoff para sa No. 2 spot at outright semis berth sa pagitan ng Aces at Beermen sa Miyerkoles

Pero hindi na mangyayari yon.

Sa halip ay nakadiretso sa semis ang San Miguel at Alaska Milk. Makakalaban naman ng Rain Or Shine ang No. 10 seed o ang nagwagi sa duwelo ng Blackwater at Mahindra kagabi.

Pero kahit na may twice-to-beat advantage ang Elasto Painters ay puwede silang masilat. Ito ay kung magkukumpiyansa sila’t hindi magseseryoso.

Para naman sa NLEX ay nagtapos ito sa ikapitong puwesto at kakailanganing magwagi ng dalawang beses kontra sa No. 6 seed kaninuman sa  TNT o Barangay Ginebra ito depende sa laro ng dalawa kagabi.

Mahirap na misyon dahil mas malakas ang Gin Kings at Tropang Texters. Pero tumaas naman ang morale ng Road Warriors matapos na talunin sa kauna-unahang beses ang Rain Or Shine.   Umaasa si coach Boyet Fernandez na makakalampas sila sa mas malaking pagsubok na ito!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Jonas Sultan, Carlos Caraballo

Sultan tinibag si Caraballo via unanimous decision

HINDI kinatakutan ni Pinoy boxer at dating world title challenger Jonas Sultan ang karta ni …

Logan Paul, Mike Tyson

Tyson vs Paul sa Pebrero 2022

KINUMPIRMA ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson na babalik siya sa boxing ring sa …

Dwight Ramos, Toyama Grouses

Aomori tinambakan ng Toyoma, 105-71

PINAGPAHINGA na lang si Dwight Ramos ng Toyama Grouses nang tambakan nila ang Aomori Wat’s sa iskor …

Floyd Mayweather, Michael Jordan, David Beckham

Jordan mas mayaman pa kina Mayweather at Beckham

TINATAYANG sina Floyd “Money” Mayweather at David Beckham ang pinakamayamang atleta  sa lahat ng panahon, …

PSC, PSI, NSCCC

300 coaches nakinabang sa PSC’s sport-specific lectures

NAKATANGGAP ang 300 partisipante  ng online sports specific lectures sa athletics, badminton, at volleyball sa …

Leave a Reply