Tuesday , January 31 2023

Jadine fans, kimxi at Jodian sanib-puwersa sa Beauty and the Bestie at All You Need is Pag-ibig (Para pumasok sa top 3 blockbuster movies sa MMFF 2015)

122115 jadine kimxi jodi ian
MASAYA ang mga taga-Star Cinema at patuloy ang pagdadagdag ng mga sinehan na pagtatanghalan para sa dalawang movie nila na “Beauty And The Bestie” at “All You Need Is Pag-ibig” na parehong entry ng no.1 movie outfit sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula ang showing nationwide sa December 25.

Well pagdating kasi kay Vice Ganda na ilang festival movies tumipak sa takilya at bumibida ngayon sa Beauty and The Bestie kasama ang Idol ng Masa na si Coco Martin plus JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre. Dahil may napatunayan na at mabango sa theater bookers hayun tulad ng “All You Need,” sila ang may pinakamaraming sinehan sa darating na festival. Idagdag pa rito ang malawak na fan base ng JaDine, KimXi nina Kim Chiu at JodIan love team na sikat na sikat sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na consistent sa pagiging top-rater.

Dahil sa pagsasanib pwersa ng nasabing fans and supporters, mukhang nakasisiguro na ang Star Cinema na mapabilang sa Top 3 blockbuster movies ang dalawang film entries.

Saka infairness, sobrang nakaaaliw naman talaga ang trailer ng Beauty and The Bestie na maraming ipinakitang bago si Vice. Tapos si Coco hindi lang action star dito kundi nagpapatawa rin at plus factor ang kilig scenes nina James at Nadine.

Pagdating kay Kris, na ilang beses nang itinanghal na Box Office Queen, ang Queen of All Media, at pang lovers naman ‘yung movie nila na maraming matutuhan ang movigoers sa obra ni Direk Antoinette Jadaone.

Palong-palo naman ang pagkaka-direk ni Wenn Deramas ng latest movie ni Vice. Congrats in advance gyud!

MARICAR REYES UMEEKSENA SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO” NI COCO MARTIN

Hindi pwedeng hindi mapansin si Maricar Reyes sa action-drama teleserye ng Hari ng Primetime at Teleserye at Idol ng Masa na si Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Yes kahit na kakapasok pa lang ng character ni Maricar bilang Isabel na miyembro ng malaking sindikato na pinamumunuan ni Ninong Conrad (Ronaldo Valdez) ay agaw-eksena ang aktres sa serye dahil sa galing o expertise niya pagdating sa pagnanakaw. Nagpapanggap siyang bisita sa party o ano mang event. Imagine kahit na ang beterano sa pagiging lider ng sindikato na si Papa Toms o Tomas (Albert Martinez) ay nagawa niyang pagnakawan. Habang nagdaraos ng party, nilimas niya ang pera at alahas ng wife ni Tomas na si Verna Syquia (Agot Isidro). Pero kahit sumama siya sa masasamang elemento ng lipunan kung saan sila ang number one target ngayon ni Cardo (Coco Martin) ay may puso naman si Isabel.

At ginagawa lang niya ang lahat para sa matagal nang nawalay sa kanyang kaisa-isang anak na babae na si Elizabeth na nasa poder ngayon ng kanyang mga magulang. Samantala nakaatang ang lahat ng responsabilidad kay Cardo para mahuli ang lahat ng mga sindikato, kasama na ang Dragon ng Sindikato na si Philip Tang (Richard Yap) na pawang mga bata naman ang binibiktima. Patuloy rin ang paghahanap ni Cardo ng hustisya laban sa mga taong pumaslang sa kakambal na si Ador, na isang bayani sa pulisya. At ang kapartner na si Onyok (Xymon Pineda) na gabi-gabing kinatutuwaan ng televiewers, malaking tulong siya para mahanap ang totoong pumatay kay Ador na nasa paligid lamang at kapwa-pulis ni Cador na si Tomas Joaquin played by Arjo Atayde. Isa rin sa nakaaagaw pansin sa mga manonood ang themesong ng FPJ’s Ang Probinsyano na “Wag Ka Nang Umiyak” na may version si Gary Valenciano at KZ Tandingan. Si Ebe Dencel ang nag-composed ng awiting ito na favourite na nang marami.

Ang nasabing serye ng Dreamscape Entertainment ay mula sa mahusay na direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco, at mapapanood weeknights right after TV Patrol.

Pagkatapos sumuko ni Jigs
SIMON BAGONG PAGSESELOSAN NI CLARKY BOY SA WIFEY NA SI LEAH SA OTWOL

At least, nakonsensiya na, at bumabawi ngayon si Jigs (Albie Casino) sa lahat ng kanyang pagkakamali at mga panggugulo sa relasyon ng ex na si Leah (Nadine Lustre) sa pinsang si Clarky Boy (James Reid).

Bago naaksidente sa motorsiklo at na-comatose pero ngayon ay gising na, gumawa nang mabuti si Jigs at hindi niya itinuloy ang banta kay Leah. Plano niyang sabihin kay Tatang Sol (Joel Torre) na buhay ang misis na si Rona (Isay Alvarez) na nagbalik Pinas, galing San Francisco, California kasama ang anak na lalaki sa foreigner na namayapa na.

Kaya naman biglang lambot rin ng mga puso nina Leah at Clark at kinalimutan na ang mga ginawa sa kanila ni Jigs. Pero mukhang magkakaroon ng aberya ang kasal ng dalawa dahil unti-unti nang nakararamdaman ng pagseselos si Clarky Boy sa Wifey na si Leah at sa boss sa Advertising firm na si Simon Evangelista (Paulo Avelino).

Unti-unti na kasing nawawalan ng time si Leah, dahil sa sagad-sagarang trabaho na ipinagagawa sa kanya ng gwapo at hunk na Boss. Si Simon ba ang magiging sagabal sa kasalang Medina at Olivar?

Abangan sa pagpapatuloy ng most romantic teleserye ng taon na “On The Wings of Love” na umi-ere Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo na kinakililigin rin ang tambalang Bailey May at Ylona Garcia.

Sina Direk Antoniette Jadaone, Dan Villegas at Jojo Saguin ang magkatuwang sa pagdidirek ng nasabing serye na hatid pa rin sa inyo ng Dreamscape Entertainment.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply