Monday , August 8 2022

Imelda Papin, parang bangag lang daw ‘pag kumakanta

121815 alex brosas your face
FRESH from the successful telecast ng Season 2 ng Your Face Sounds Familiar (na itinanghal na grand winner si Denise Laurel na tumalo kay Michael Pangilinan), ang nagsilbing main attraction ng pa-Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment media—dubbed as Thank You For the Love—ay ang Your Press Sounds Familiar.

Isa sa mga nagsilbing hurado ay ang mismong YFSF judge at world-class singer na si Jed Madela. At isa sa limang kalahok sa nasabing patimpalak ay ang Hataw columnist na si Alex Brosas who mimicked Imelda Papin.

Tulad ng nakagawian sa YFSF, pagkatapos ng bawat performance ay isa-isang nagbibigay ng komento ang mga bumubuo ng panel.

Natawa kami kay Jed nang susugan niya ang host sa pagsasabi na kapag nagpe-perform daw si Imelda ay, “Parang wala lang…parang bangag.” Pabirong sey ni Jed, “Oo, parang bangag lang kapag kumakanta si Imelda.”

Nagtawanan ng audience sa loob ng Dolphy Theatre.

For sure, kapag nabasa ito ng tinaguriang Sentimental Songstress ay ikaaaliw lang niya ang komento ni Jed, kung paanong nakaaaliw din—kundi man nakaiintriga—ang mga tsismis na ikinakabit sa balladeer na paboritong i-blind item ng mga manunulat.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Kylie Padilla

Kylie kalmado na ang puso

I-FLEXni Jun Nardo PICTURE at video na hinihipan ang cake ng anak na si Alas ang naka-post …

Blind Item, Men

Male newcomer dagsa ang offer sa mga bading na gusto siyang maka-date

ni Ed de Leon NATATAWA kami habang nagkukuwento ang isang male newcomer. Hindi rin naman kasi …

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Leave a Reply