NAGULAT kami na suportado pala ang kandidatura ni Mrs. Leni Gerona Robredo bilang Vice President ng Pilipinas kapartido ni dating DILG SecretaryMar Roxas sa Liberal party ng mga kilalang artista.
Base sa kuwento sa amin ng taong nakaalam ay umoo na raw ang ilang sikat na artista na suportahan ang ginang ng namayapang DILG secretary, Jesse Robredong walang hinihinging kapalit dahil naniniwala raw sila na daang matuwid ang tatahakin ni Ms Leni.
Hindi sinasadyang banggitin sa amin ang mga pangalan ng mga artista na susuporta kay Ms Leni at hindi palang puwedeng pangalanan dahil baka intrigahin at gawan ng mga malisyosang kuwento.
Handa rin daw itaas ng mga susuportang artista ang kamay ni Gng. Robredo, ”oo naman kasi kung hindi sila naniniwala, hindi naman nila susuportahan si Leni. At saka iboboto talaga nila.”
Nakatutuwa naman sa parte ni Ms Leni dahil ‘yung ibang kandidato ay hirap na hirap kumuha ng artistang ieendorso sila kahit bayaran nila ng mahal samantalang ang ka-tandem ni Roxas ay marami ang nagpi-prisinta ng libre.
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
