
Yes Ateng Maricris base sa sagot sa amin ng taga-produksiyon sa tanong namin kung mawawala si Albert sa Ang Probinsyano ay, ”hindi po, segue si tito Albert po.”
Muli naming tinanong kung mababawasan ang ilang eksena ng aktor, ”hindi rin po, kaya naman ni tito A ‘yun,” sagot ulit sa amin.
Samakatuwid, lagare si Albert sa Ang Probinsyano at All Of Me at araw-araw iyon kaya malamang na aagahan na lang i-pack up ang aktor dahil ano pa ang itutulog niya kung hanggang umaga tapos ng tapings ng dalawang teleserye.
Bongga si Albert dalawang beses siyang mapapanood isa sa hapon at isa sa gabi na parehong humahataw sa ratings game.
Speaking of Albert baka sinadya niyang tanggapin muli ang All Of Me para therapy niya lalo’t malapit na ang Pasko at Bagong taon na first time nilang mag-aamang hindi makapipiling si Liezl Sumilang-Martinez.
FACT SHEET – Reggee Bonoan