Thursday , June 4 2026

My Very Best Kyla album, one of a kind

111115 kyla very best

00 fact sheet reggeeMAGAGANDA ang mga awiting nakapaloob sa limited edition album (15th  anniversary) ni Kyla na may titulong  My Very Best Kyla  na 15 songs din ang laman.

Nagustuhan namin ang version ni Kyla ng On The Wings Of Love na soundtrack ng serye nina James Reid at Nadine Lustre na OTWOL at inamin din ng singer na isa siyang ‘otwolista.’

Gustong-gusto talaga namin ang awiting Muli na akala namin ay si Vina Moralesang nagpasikat nito dahil inialay niya ang awiting ito sa ex-boyfriend niya na may asawa na ngayon.

Pero kuwento ni Kyla sa ginanap na presscon para sa Kyla: Flying High concert niya sa KIA Theater sa Nobyembre 20 ay siya ang unang kumanta at nag-record para sa Metro Pop Album, ‘yun nga lang hindi sumikat at ngayon ay isinama niya sa latest album niya.

Parehong maganda ang version nina Kyla at Vina ng Muli medyo ma-emote nga lang ang huli dahil siguro feel na feel niya ang lyrics ng kanta para sa nawala niyang karelasyon noon.

Samantala, maganda ang dueto nina Kyla at Martin Nievera ng awiting How Do You Keep The Music Playing, as usual old time favorite ito ng lahat.

At ang dueto nina Kyla at Gary Valenciano  ng Sana Maulit Muli at ang Mahal Ko O Mahal Ako ni KZ Tandingan na big winner sa nakaraang Himig Handog Phil Pop 2014.

Tinanong namin ang isa sa bossing ng Cornerstone Management  Company ni Kyla kung okay lang kay KZ na isama ito sa album ng una dahil sa pagkakaalam namin ay marami pa rin ang bumibili sa album ng huli na kasama ang nasabing kanta at hindi ba ito magkaka-problema.

“Hindi naman kasi two years ago naman ang nakalipas, okay na ‘yun, nauna naman si KZ,” katwiran sa amin ng taga-Cornerstone.

Ang ibig naming sabihin imbes na credit pa sana kay KZ ang nasabing kanta ay mapupunta na kay Kyla.

Anyway, ang iba pang awiting nasa limited album ay ang mga; I Am Changing, Huling Sayaw (Kamikazee), Don’t Tie Down, Mahal Kita (Di Mo Pansin), Say That You Love Me, Tara Tena, Beautiful Days, You Were There, Flexin at Hanggang Ngayon na released ng PolyEast Records.

Ang ilan sa mga kanta ay kasama sa repertoire ni Kyla sa kanyang Flying High(15th Anniversary Concert) at aabutin daw ng 20 songs lahat sa loob ng dalawang oras.

Nais sulitin ni Kyla ang ibinayad ng lahat ng manonood sa concert niya na sobra siyang na-miss dahil pagkalipas ng 10 taon ay ngayon lang siya magkakaroon ulit ng major show.

Makakasama ni Kyla ang R&B King na si Jay R, Soul Supreme KZ, Prince of Pop, Erik Santos, at G-Force na ididirehe naman ni Marvin Caldito at si Marc Lopez naman ang musical director at produced nina Calvin Chua, Ricky Agana, at Dreamstar Events Company presented by Academy of Rock.

At sa ginanap na presscon ay bahagyang naikuwento ni Kyla kung paano siya nagsimula sa music industry at nasubukan daw niya lahat ang klase ng auditions, maglakad, sumakay ng jeep, mag-abang ng taxi at kung ano-ano pa.

At simula raw noon ay gumaan na ang buhay nina Kyla kasama ang pamilya niya dahil nakapag-ipon, nakabili ng tatlong bahay at mga sasakyan na nagagamit niya ngayon kapag may pupuntahan.

At dahil sa pagpupursige ay maraming awards na nakamit si Kyla at umaasang magtutuloy-tuloy pa siya lalo’t nasa pamamahala na siya ng Cornerstone niErickson Raymundo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …