Garin hinirang na ni PNoy bilang kalihin ng DoH

112514 garinPORMAL nang hinirang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Dra. Janette Garin bilang Health secretary.

Ito ang napag-alaman mula sa ilang sources.

Bago ito, nanungkulan bilang acting secretary si Garin nang mag-leave hanggang sa magbitiw si Secretary Enrique Ona noong Disyembre 19.

Nito lamang nakaraang buwan ay nagpahiwatig ang presidente na kontento siya sa performance ni Garin kaya susunod siyang kalihim ng kagawaran ng kalusugan.

Sinasabing ilan ding mga nasa short list ang pinagpilian ni Pangulong Aquino kasama na ang ilang dating health secretaries at classmate niya para sa DoH portfolio.

Hinihintay na lamang ang magiging pormal na anunsiyo mula sa Palasyo o sa pangulo mismo.