Guro, non-teaching personnel walang pasok sa EDSA anniv (Bukod sa estudyante)

EDSA 29thNILINAW ng Department of Education (DepEd) na bukod sa mga estudyante, wala rin pasok ang mga guro at staff ng mga eskwelahan ngayong Miyerkoles, Pebrero 25 dahil sa anibersaryo ng Edsa People Power.

Sa memorandum ni DepEd Undersecretary Rizalino Rivera, nakasaad na bagamaโ€™t may pasok ang mga manggagawa, lahat ng school-based personnel ng mga pampublikong paaralan ay hindi na kailangang pumasok.ย 

Kabilang dito ang school heads, mga guro at school staff.

Gayon man, may pasok ang mga personnel sa central, regional, at schools division office.

Ang memo ay ibinatay sa Proclamation No. 831 na nagtatakda sa Pebrero 25 bilang special holiday ngunit para lamang sa mga paaralan at hindi sa mga manggagawa.