NewsBaguio City nilindol hataw tabloidFebruary 25, 2015February 25, 201501 mins NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio CIty nitong Martes ng umaga. Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, dakong 7:14 a.m. nang tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng mismong lungsod. Nasa lalim lamang na 13 kilometro ang sentro ng tectonic na lindol. Nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Baguio City at La Trinidad, Benguet habang intensity 3 sa Itogon, Benguet. Intensity 2 ang nairekord sa Dagupan City habang intensity 1 sa Palayan City. “‘Yung intensity 4, hindi naman damaging ‘yun,” garantiya ni Solidum. Post navigation Previous: Guro, non-teaching personnel walang pasok sa EDSA anniv (Bukod sa estudyante)Next: Petisyon vs mayor ng Puerto Princesa may lagda ng patay