21 Pinoy nasagip sa sumadsad na barko sa Greece

mv good faithATHENS – Nasagip ang 22 tripulante ng Cyprus-flagged bulk carrier na sumadsad sa isang isla ng Greece.

Ang mga tripulante ng MV Good Faith ay kinabibilangan ng 21 Filipino seafarers at isang Romanian.

Ang 11 sa mga crew ay na-rescue sa pamamagitan ng helicopter habang ang iba pa ay tinulungan ng firefighters na makalapit sa dalampasigan.

Nakaranas ng malalaking alon ang barko sanhi upang sumadsad ito.

Walang injury ang mga tripulante ng MV Good Faith.