Monday , August 15 2022

Buhawi sibat kung rumemate

00 rektaAnimo’y isang sibat kung rumemate ang kabayong si Buhawi na sinakayan ni Dudong Villegas sa isang Special Handicap Race na naganap nitong nagdaang Martes sa pista ng Metro Turf.

Sa largahan ay halos sabay-sabay na lumabas mula sa aparato ang pitong kalahok sa laban at karamihan sa nakalaban ay nagmamadali na makapuwesto ng maaga, kaya naman si Dudong ay bahagyang pumigil muna dahil sa baka matilapon siya ng husto sa labas.

Sa medya milya ay may limang kabayong agwat ang nauunang si Vice Chancellor at halos magkakalapit lang ang anim na nakasunod. Bago pa man mag-tres oktabos ay gumalaw na si Dudong sa gitnang posisyon niya at agaran naman nagresponde si Buhawi. Kaya pagpasok sa ultimo kuwarto ay nakuha na nila ang segunda puwesto at parang sinisibat papalapit sa nauunang kalaban.

Pagsungaw sa rektahan ay walang anuman na inagaw nina Dudong ang bandera at lumayo pa ng may mga anim na kabayo sa pumangalawang si Masmasaya Sa Pinas.

Naorasan ang karerang iyan ng 1:28.6 (13′-22′-24-28′) para sa 1,400 meters na distansiya.

 

ni Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Christopher Castellano Elizsa Gayle Cafirma

Antipolo City, Rizal team lalahok sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival chess meet

MANILA — Nagbigay ng kahandaan ang Antipolo City, Rizal team players na lalahok sa Sen. …

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

Leave a Reply