Thursday , June 4 2026

‘Damage Control’ ikinasa ng Palasyo (Sa Fallen 44)

SAF 44“GUMUGULONG ” na ang ikinasa ng pangkat ni Executive Secretary Paquito Ochoa na “damage control operations” para sa brutal na pagpaslang sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force  (PNP-SAF) ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinabi ng isang impormante sa Palasyo, tuliro na si Ochoa kung paano pahuhupain ang galit ng mga unipormado at publiko, gayondin para maisalba sa tiyak na kamatayan ng pinakaaasam na maipasa sa Kongreso na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinasabing lalong nataranta ang Palasyo nang bawiin ng 43 kongresista ang kanilang suporta sa BBL kaya’t nagkukumahog ang Samar Group ni Ochoa upang ‘himasin’ ang mga mambabatas at umupa na rin ng PR groups para mamahala sa ‘pagpapalambot ng ulat’ sa media.

“Baka maimpatso na ang ilang mambabatas at taga-media sa pagpunta sa halos gabi-gabing  imbitasyon ng dinner ng grupo ni Ochoa para ‘gamutin’ ang imahe ni PNoy na labis na napinsala sa Mamasapano massacre,” anang source.

Nauna nang napaulat na si Ochoa, bilang pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang nagbigay ng basbas kay suspended PNP chief Director General Alan Purisima para ilunsad ang operasyon ng SAF sa Mamasapano noong  Enero 25.

Sa nasabi rin araw ay nasa Zamboanga City si Pangulong Benigno Aquino III na nakiramay sa pamilya ng dalawang biktima nang pagsabog sa bus terminal sa siyudad noong Enero 23.

Makaraan ang dalawang araw ay saka lamang nagsalita si Pangulong Aquino noong Enero 28 para ihayag ang kanyang President’s Message to the Nation para itanggi na may partisipasyon sila nina Ochoa at Purisima sa madugong operasyon at sinisi ang sinibak na SAF chief na si Director Getulio Napenas.

Umani rin ng batikos ang hindi niya pagsalubong sa mga labi ng SAF 44 sa Villamor Airbase noong Enero 29 ngunit kinabukasan ay nagbabad ng 13 oras ang Pangulo sa burol sa Camp Bagong Diwa at kinausap nang isa-isa ang mga naulilang pamilya.

 Sabi ng impormante, ang 13  oras na pananatili ni Pangulong Aquino sa burol ng SAF 44 ang isa sa mga ginagamit na tuntungan ng “damage control operations” para “lumambot” ang mga balita sa tri-media.

Dapat din aniyang maging mapagmatyag ang publiko sa biglang pag-release ng Department of Budget and Management (DBM) ng P2.606 trilyon o 76% ng P2.037 trilyong 2015 budget sa mga ahensiya ng pamahalaan , isang araw makaraan ang Mamasapano incident.

“The remaining 22 percent of the national budget—amounting to P568.7 billion—will be considered For Later Release (FLR) and will be done via SARO (Special Allotment Release Order), subject to compliance with required documents and clearances, sabi sa kalatas ng DBM noong Enero 27.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …