Monday , December 5 2022

Baho ng Smartmatic nakalkal (2016 polls peligroso sa maanomalyang kompanya)

FRONTLABIS na ikinababahala ng isang grupo na nagsusulong ng malinis na halalan ang mga anomalya sa ownership structure ng Smartmatic na hindi napansin mula nang makuha nito ang kontrata para sa automated elections sa Filipinas noong 2010 at pinapaboran ngayon ng Commission on Elections para hawakang muli ang pambansang halalan sa susunod na taon.

Sinabi ng Citizens for Clean and Credible Elections (C3E), batay sa mga impormasyon na kanilang nakalap hinggil sa pinanggalingan ng Smartmatic, nakababahala ang detalye kung paano  hinawakan ng kompanya ang kanilang mga transaksyon sa mga dayuhang gobyerno.

“The way Smartmatic was formed in Venezuela is too worrisome to ignore as it would have an impact, if it had not already made an impact, on Philippine elections,” pagbubunyag ni C3E co-convenor Melchor Magdamo.

Lumitaw sa research na isinagawa ng C3E na nagsimula sa larangan ng eleksyon ng Smartmatic noong June 2003 nang bilhin ng Venezuelan government sa ilalim ni President Hugo Chavez ang 28 percent stake sa kompanyang Bizta R&D Software CA .

Ang Bitza ay pag-aari ng Venezuelan businessmen na sina  Antonio Mugica at Alfredo Anzola at bahagi ng isang consortium na kinabibilangan ng Smartmatic, Bizta SBC at isa pang kompanya na kinontrata ng Venezuelan government para mag-automate ng eleksyon.

Sa unang bahagi ng 2004, nakuha ng SBC ang $121 milyon kontrata na ang $91 milyon ay napunta sa Smartmatic at Bizta, kapwa pag-aari nina Mugica at Anzola. Ito umano ang kauna-unahang kontrata ng Smartmatic.

Simula noon, nakuha na ng Smartmatic ang mga kontrata sa Venezuelan government na nagkakahalaga ng $131 milyon nang walang public bidding dahil ang deal ay praktikal na pinahawakan sa Smartmatic sa ilalim ng diktadorya ni Hugo Chavez.

Sa pamamagitan ng bagong tuklas na yaman, lalong nagpursige sina Mugica at Anzola na isulong ang kanilang ambisyon na international expansion.

Noong 2005, binili ng Smartmatic  ang  isang kompanya sa Amerika na Sequoia Voting Sytems sa halagang $16 milyon.

Noong 2006, isang imbestigasyon sa deal at ugnayan sa pagitan ng Smartmatic at Chavez government ang ikinasa ng Committee on Foreign Investment in the United States (CFIUS) na isang investigating body ng US government, bilang resulta ng electoral fiasco sa Chicago na kinasangkutan ng Smartmatic at kompanyang binili nito sa  Sequoia.

Imbes isumite ang sarili sa imbestigasyon, tumakas ang Smartmatic at agad ibinenta ang Sequoia para maharang ang imbestigasyon ng CFIUS hinggil sa komplikadong ownership structure at shareholding character ng Smartmatic.

Nabulgar sa safety check na isinagawa ng US noong 2004 sa Florida, kabilang sa nakalistang miyembro ng board of directors ng Smartmatic ay sina Antonio Mugica, Alfredo Anzola, Antonio Mugica Rivero, Roger Pinate, Antonio Mugica Sesma at Luis Feliu.

Sa nasabing taon, ang nakalistang business address ng Smartmatic ay sa 1001 Broken Sound Parkway, NW, STE D, Boca Raton, FL 33487.

Ang kasaysayan ng Smartmatic sa Venezuela ay nagsimula noong 1997 noong kilala pa ang venture bilang “Research and Development Unit of Panagroup in Venezuela.”

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply