Maguindanao muling binulabog ng pagsabog

maguindanao bombingCOTABATO CITY – Muling ginulantang nang pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao dakong 10:05 p.m. kamakalawa.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army Public Affairs chief, Captain Joan Petinglay, pinaputukan ng bala mula sa M203 grenade lauchers ang nakaparadang sasakyan malapit lamang sa Mindanao State University (MSU) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Wasak ang sasakyan sa lakas ng pagsabog, ngunit swerteng walang nasugatan ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Pagkatapos ng pagsabog ay may namataan ang mga residente na dalawa kataong lulan sa isang motorsiklo na mabilis na umalis sa lugar.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.