Binatilyo patay kasama kritikal (Motorsiklo bumangga sa pader)

112514 deadTUGUEGARAP CITY – Patay ang isang 17 anyos out of school youth habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang kasama na isa rin menor de edad makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pa-der sa bayan ng Aparri, Cagayan kamalawa.

Kinilala ang namatay na si Vicson Balinan, residente ng brgy Centro 9 sa Aparri, habang nasa malubhang kalagayan si Evan Joshua Banastas, 17, re-sidente ng Brgy. Tallungan.

Ayon sa PNP Aparri, tinatahak ng dalawa ang kahabaan ng Brgy. Macanaya sakay ng isang motorsiklo na minameho ni Banastas pero nang makarating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nawalan ng control si Banastas sa manibela, hanggang dumiretso at sumalpok sila sa isang pader.