This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DALAWA ang sugatan makaraan tumagilid ang delivery truck nang sumabog ang hulihang gulong kahapon ng umaga sa Skyway southbound lane sa Muntinlupa City.
Ginagamot sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Mickle Mariano, 32, driver, tubong Tarlac, stay-in sa Block 2, Lot 2, Manchester 2, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City, at Dennis Bozar, 30, pahinante, ng 77 Baesa St. ng nasabi ring lungsod.
Batay sa ulat ni retired General Louie Maralit, hepe ng Skyway Traffic and Security Department, dakong 6:45 a.m. nang maganap ang insidente malapit sa Alabang Exit Viaduct southbound, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Binabaybay ng isang 6 wheeler delivery truck (ZGH-447) na minamaneho ni Mariano, ang kahabaan ng Skyway Alabang southbound ngunit pagdating ng Alabang Viaduct Exit ay sumabog ang kanang likurang gulong hanggang sa tumagilid ang nasabing sasakyan.