This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ILOILO CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis sa bayan ng Janiuay, Iloilo, ang magkapatid na suspek sa nangyaring barilan sa bisperas ng pista sa lugar.
Isa ang patay at isang pulis ang sugatan sa insidente.
Ayon kay SPO1 Nestor Perigrino, imbestigador ng Janiuay Municipal Police Station, nagresponde ang dalawa nilang kasamahan na sina SPO1 Dexter Madayag at PO3 Jeffry Serue sa nangyaring barilan.
Sa insidente ay napatay ang biktimang si Richard Hayno y Milar, 37-anyos tricycle driver, ng suspek na si Elmo Margate.
Naabutan ng mga pulis na tumatakas ang suspek na si Elmo at kapatid na si Elmer ng Brgy. Dalusan, Maasin, kasama ang kanilang bayaw.
Nang hinabol ng mga pulis, nagpaputok ang mga suspek at tinamaan si PO3 Serue sa kaliwang hita.