Thursday , December 1 2022

Alapag hinirang na komisyuner ng FIBA

ni James Ty III

080914 jimmy alapag

ISINAMA ng world governing body ng basketball sa mundo na FIBA ang kareretiro lang na point guard ng Gilas Pilipinas at Talk n Text na si Jimmy Alapag sa Players’ Commission hanggang sa taong 2019.

Ang nasabing komisyon ay pinangungunahan ng dating sentro ng NBA na si Vlade Divac.

Naunang itinalaga ng FIBA ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan sa Central Board samantalang kasama sa Medical Commission si Dr. Raul Canlas at Atty. Aga Francisco sa Legal Commission.

Sa ngayon ay inaasikaso ni Alapag ang pagiging team manager ng Tropang Texters.

Katunayan ay nasa PBA D League si Alapag kamakailan upang mag-scout ng mga manlalaro na puwedeng kunin ng TNT sa darating na PBA rookie draft.

“I’m just here to help out in scouting players but at the end of the day, coaching staff and upper management will have the final say,” wika ni Alapag.

 

About hataw tabloid

Check Also

Maycydel Fajardo Chess

Sa Pozorrubio, Pangasinan
MAYCYDEL FAJARDO, SAMANTHA GLO REVITA, RICHARD DELA CRUZ, MAGKAPATID NA DIMARUCUT SASABAK CHESS TOURNAMENT

MANILA — Kompirmado na ang paglahok nina Maycydel Fajardo ng San Fabian, Pangasinan; Samantha Glo …

Daniel Quizon Chess

Filipino chess whiz naghari sa Asian Juniors blitz tournament

TAGAYTAY CITY — Kinapos si International Master Daniel Quizon sa rapid at standard chess ngunit …

Kim Yutangco Zafra Chess

PH bet Kim Yutangco Zafra naghari sa Estonia chess tourney

ni Marlon Bernardino MANILA — Pinagharian ni Filipino Kim Yutangco Zafra ang katatapos na Tallinna …

Rogelio Joey Antonio Jr Chess

Antonio tumapos sa ninth place

MANILA — Nakamit ni Filipino Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., ang ninth place honors …

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Tagumpay sa grassroots program

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino MATAGUMPAY na naganap ang Inter Cluster Chess Tournament sa Kalawaan Elementary …

Leave a Reply