17-anyos tinurbo sa taniman ng monggo

111014 rapeILANG ulit na niluray ng 46-anyos lalaki ang 17-anyos dalagita habang tinututukan ng balisong sa taniman ng monggo sa Antipolo City kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, ang nadakip na suspek na si Dolphy Villaruel, 46-anyos, residente ng Sitio Apia, Brgy. Kalawis sa lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si Joanna, dakong 4 p.m. habang abala siya sa pamimitas ng monggo nang tutukan siya ng patalim ng suspek at nagbantang siya ay papatayin kung hindi ibibigay ang kanyang pagkababae.

Nang makaraos ay tinakot ang dalagita ng suspek na papatayin pati ang kanyang pamilya kapag nagsumbong sa kanyang ina.

Ngunit nagsumbong ang biktima sa kapitbahay na humingi ng saklolo sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ed Moreno