Kulong kay Binay et al sagot ng Blue Ribbon mother committee Β 

111214 binayNAKATAKDANG desisyonan sa Lunes ng mother committee ng Blue Ribbon ang rekomendasyon ni Senador Koko Pimentel, pinuno ng sub-committee na i-contempt at ipaaresto si Makati City Mayor Junjun Binay at ilan pang mga opisyal at indibidwal sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona, pinuno ng mother committee, pupulungin niya ang mga miyembro ng komite at kanilang dedesisyonan o pagbobotohan sa Lunes kung ano ang magiging kapalaran ng rekomendasyon ni Pimentel.

Sinabi ni Guingona, hahayaan niya ang bawat senador na magbigay ng paliwanag sa kanilang magiging boto kung nais nila at ang kanilang komento ukol sa rekomendasyon ni Pimentel.

Bukod kay Binay, ipinako-contempt din ni Pimentel sina Ebeng Baloloy, dating Makati City Administrator Marjorie deΒ Vera, Professor Thomas Lopez, city Engineer at iba pa.

Inirekomenda ni Pimentel ang contempt dahil sa patuloy na pang-iisnab ng mga nabanggit sa paulit-ulit na imbitasyon ng komite para magbigay ng paliwanag ukol sa kontrobersyal na Makati City Hall Bldg. Parking 2 at iba pang mga anomalya na kinasangkutan ng lungsod simula noong si Vice President Jejomar Binay pa ang alkalde ng lungsod.

NiΓ±o Aclan