Hiling ni Jinggoy ibinasura ng SC (Sa plunder case)

062414 Jinggoy EstradaIBINASURA ng Korte Suprema ang mga petisyon ng nakakulong na si Sen. Jinggoy Estrada na kumukuwestyon sa Office of the Ombudsman na nag-akyat ng kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Sa botong 9-5, ibinasura ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga petisyon ni Estrada na kumukuwestyon sa preliminary investigation na isinagawa ng Ombudsman at ang findings na nagbunsod para maiakyat sa anti-graft court ang kaso.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Theodore Te, hindi napatunayan ni Estrada na nilabag ng Ombudsman ang karapatan niya sa due process at equal protection.