Sunday , December 4 2022

ATM hacker nanalasa sa Marikina

091614 money crimeLAKING gulat ng isang 53-anyos may-ari ng tour agency nang ma-withdraw ang kanyang P25,000 cash ng tatlong ulit ng hinihinalang miyembro ng ‘ATM hacker’ sa Marikina City habang siya ay nasa abroad.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police chief, kinilala ang biktimang si Estrella Dy, nakatira sa lungsod ng Marikina.

Ayon kay SPO1 Engelbert Aniciete, natuklasan ni Dy na withdraw ang kanyang cash sa savings account na naka-deposito sa Banco de Oro (BDO) sa J.P. Rizal St., Brgy. Sta. Elena sa lungsod.

Nabatid sa record ng banko, tatlong ulit na-withdraw gamit ang ATM, ang nasabing halaga bagama’t nasa abroad ang biktima at hawak ang kanyang ATM card.

Humihingi na ang Marikina PNP sa BDO ng kopya ng footage ng closed-citcuit television camera para matukoy ang suspek.

Ed Moreno

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply