Vatican security nag-inspeksiyon sa Luneta

Pope securityMISMONG ang mga tauhan ng Vatican security ang nangasiwa sa inspeksyon sa buong Luneta kahapon.

Kabilang sa kanilang sinuri ang stage, entrance at mga posibleng exit area ni Pope Francis at ng mga ambulansyang gagamitin sa emergency situations.

Una rito, inabot ng hatinggabi ang mga tauhan ng DPWH at MMDA sa pagsasaayos ng mismong entabladong gagamitin ng Catholic pontiff.

Maging ang mga nagkakabit ng metal barries sa harapan ng Quirino Grandstand ay inumaga sa pag-install ng mga ito.

Nasa 500 katao ang kinailangan upang maikabit ang lahat ng barriers sa pupwestuhan ng mga taong dadalo ng misa.

Halos magdamag ding binuksan ang mga electric fan at aircon units para matuyo at matanggal ang amoy ng ginamit nilang pintura.