PSG nag-dry run sa Popemobile

PopemobileNAGSAGAWA ng dry run ang Presidential Security Group (PSG) gamit ang isa sa tatlong popemobile na sasakyan ng Santo Papa sa pagdalaw niya sa bansa.

Ito’y bahagi ng paghahanda para sa courtesy call ni Pope Francis kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Malacanang sa Biyernes ng umaga.

Tinahak ng PSG ang kahabaan ng J.P. Rizal Street, Ayala Bridge, Finance Road, General Antonio Luna Street hanggang Manila Cathedral kung saan pangungunahan ni Pope Francis ang isang misa.