Pagbibigay halaga sa pamilya, mapapanood sa Flordeliza

011415 Jolina Marvin Ashley Sarmiento[divider]

00 Alam mo na NoniePAGMAMAHAL ng pamilya ang mararamdaman ng viewers sa pinakabagong family drama series ng ABS-CBN na Flordeliza na magsisimula na ngayong Lunes, January 19.

Tampok dito ang pagbabalik-tambalan ng โ€™90s iconic Kapamilya love team nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Ang Flordeliza ay base sa mga pangalan ng mga bidang karakter na sina Florida (Jolina) at kanyang anak na si Flor (Ashley Sarmiento), at Elizabeth (Desiree del Valle) at ang anak niyang si Liza (Rhed Bustamante).

โ€œAng Flordeliza ay kuwento ng dalawang pamilya. Itoโ€™y sesentro sa dalawang ina at dalawang bata na pagbubuklurin ng pagmamahal at paglalayuin ng isang malungkot na katotohanan.

โ€œIpapaunawa nito sa mga manonood na ang pagmamahal ng pamilya ang siyang tunay na bumubuo sa ating pagkatao,โ€ pahayag ni Direk Wenn V. Deramas na siya mismo ang bumuo ng konsepto at co-director ng serye, katuwang si Tots Sanchez-Mariscal IV.

Bahagi rin ng cast sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, at Juan Rodrigo.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng โ€œFlordelizaโ€ sa Enero 19, ang โ€œKapamilya Thank You Dayโ€ ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/FlordelizaPH, Twitter.com/FlordelizaPH at Instagram.com/ FlordelizaPH.

 

ni Nonie V. Nicasio