Friday , April 19 2024

Sarah, inilampaso ni Kathryn sa paramihan ng benta ng album!

ni Alex Brosas

010515 Sarah Geronimo kathryn bernardo

TINALO na ni Kathryn Bernardo si Sarah Geronimo?

Yes, pinakain ng alikabok ni Kathryn si Sarah dahil mas mabenta ang album niya na kalulunsad pa lang.

Say ng isang Facebook account na Kakulay Entertainment Blog, ”nasa No. 2 spot ang album ni Kathryn na carrier single ang revival niya ng ‘Mr. DJ’ ni Sharon Cuneta.”

“Inilampaso nang husto ng Teen Queen (Kathryn) ang kare-release na album ni Sarah na ‘Perfectly Imperpect’ under Viva Records na nasa pang No. 10 o huling puwesto sa top 10 sales album. Nangunguna naman si Taylor Swift, Dareen Espanto na nasa No. 3 spot, No. 4 ang One Direction, No. 5 – Seconds of Summer, No. 6 – Jose Mari Chan, No.7 – ‘Gimme 5 Gimme 5’, at pang No. 9 na si Ed Sheeran,” nakasaad pa sa short article nito.

So, ano ang ginagawa ng Popsters? Bakit, wala ba silang pambili ng album ng idol nila?

Ang KathNiel fans, talagang mapera. Kaya nilang bumili ng bulto-bultong album ni Kath. Hindi nga ba’t mayroon na silang advance order amounting to hundred thousand pesos bago pa man ilabas sa market ang maiden album ni Kath? Kaya naman noong araw na ilabas na sa music stores ang album ay nag-gold kaagad ito. Kayang-kayang mamakyaw ng fans ni Kath ng album ng kanilang idol. ‘Yan ang tunay na mapera.

Si Sarah, mukhang walang datung ang fans, hindi nila carry na bumili ng album ng dalaga ng maramihan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *