This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Yemen na lisanin na ang nasabing bansa dahil sa patuloy na isyu sa politika, seguridad at peace and order.
Ayon sa DFA, ang nasabing panawagan sa OFWs ay advisory na inisyu ng Philippine embassy sa Riyadh.
Sinabi ng DFA, makipag-ugnayan lang ang mga Filipino na interesadong umuwi na sa bansa sa Crisis Management Team sa Sana’a.
Sa ngayon, nakataas pa rin sa alert level 3 ang status sa Yemen para sa voluntary repatriation at total deployment ban sa mga Filipino na nagnanais pumunta roon.