12 gang leaders sa Bilibid ibinartolina (Sa granade blast)

bilibid blastIPINABARTOLINA ni Justice Sec. Leila de Lima ang 12 gang leaders sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kasunod ng pagsabog ng granada Huwebes ng umaga.

”I-isolate po in one disciplinary cell [ang gang leaders]”, pagkompirma ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr.

Matatandaan, napasugod si De Lima at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Bilibid makaraan sumabog ang isang fragmented grenade.

Dahil bigong ilabas ng mga gang leader ang suspek sa dalawang oras na palugit ng kalihim, iniutos ni De Lima ang pagbartolina sa mga lider ng gang at ang pagsuspinde sa visiting privileges ng mga preso.

Isa ang kompirmadong namatay habang dalawa sa 19 sugatan ang nasa kritikal na kondisyon sa nasabing pagsabog.

Jaja Garcia