Pacman judge sa Miss Universe

061314 pacman congressKABILANG si People’s Champ Manny Pacquiao sa mga hurado sa 63rd Miss Universe na gaganapin sa Doral, Florida.

Sa Facebook page ng Miss U, kinompirma ng pageant organizers ang ulat na kasama ang eight-division world champion sa mga kikilatis at pipili sa susunod na Miss Universe.

Kasama ni Pacman na magiging judge ang TV host-shoe designer na si Kristin Cavallari; William Levy, TV-film actor; Lisa Vanderpump, “Vanderpump Rules”, at Louise Roe, Fashion journalist at author.

Gaganapin ang finale ng kompetisyon sa Enero 25 sa FIU Arena sa Florida.