Monday , December 5 2022

Kelot sapilitang pinagamit ng droga 10 suspek tinutugis

100814 shabu drugsNAGA CITY – Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang 10 suspek na responsable sa sapilitang pagpapagamit ng shabu sa isang lalaki sa Naga City.

Nabatid na halos dalawang araw pinagamit ng shabu ang hindi nakapanlaban na biktimang si Omar Juda Nolasco, 20-anyos, patuloy inoobserbahan sa pagamutan dahil wala pa sa normal na kalagayan bunsod nang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay PO2 Jenalyn Arellano, pinaghahanap nila ang tatlong pangunahing mga suspek na kinilala lamang sa mga pangalan na Waway, Froilan at Baby.

Bukod sa tatlo, tinutugis din ang pitong iba pa na nagsilbing look out sa insidente.

Nauna rito, dinala ng mga suspek ang biktima kasama ang kaibigan na si Michael Jayson, sa hindi nabatid na apartment noong Disyembre 6 ngunit pinaghiwalay ang dalawa bago isagawa ang pagpapahithit ng shabu.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung biktima rin ang kaibigan ni Nolasco na si Michael Jayson o kasabwat siya ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply