Friday , April 26 2024

Sniper ikakalat ng AFP

sniperINIHAYAG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapakalat ng mga sniper sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., aabot sa 100 snipers mula sa Philippine Army Special Forces ang ipupwesto ng militar sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Simula sa Sabado, Enero 10, 2015 ‘isasailalim na sa red alert status’ ang buong pwersa ng AFP bilang paghahanda sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Sinabi pa ni Catapang , aabot sa 7,000 ang idaragdag na reserve force mula sa military reservist.

Bukod dito, nakaalerto rin ang AFP sa mga tinatawag na unmanned aerial vehicle o drone na posibleng maligaw sa mga lugar kung saan naroroon ang Santo Papa na ayon sa CAAP ay mahigpit na ipagbabawal.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *