This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ARESTADO ang isang 44-anyos houseboy makaraan gahasain ang 5-anyos batang babae sa Block 44, Lot 32, Northville 8, Brgy. Bangkal, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Arsenio Macalan, alyas Jojo, habang itinago ang biktima sa pangalang Sherylyn, kinder pupil, kapwa residente sa nasabing lugar.
Ayon sa nakatalang ulat ng pulisya, humahangos na nagsadya sa kanilang tanggapan ng ina ng biktima at humingi ng tulong upang ipaaresto ang kanilang houseboy na humalay sa paslit.
Sa salaysay ng ina ng biktima, dakong 7:20 p.m. nang umuwi siya ay nadatnan niya sa loob ng kanilang bahay ang suspek na nakahubad at nakapatong sa kanyang anak na nakahiga sa sopa.
Agad niyakap ng ginang at kinarga ang anak saka nagmamadaling nagtungo sa himpilan ng pulisya para ipaaresto ang suspek.