Saturday , April 20 2024

Dinukot na warden sa ComVal hawak ng NPA

122914 Jose Mervin CoquillaKINOMPIRMA ng New Peoples Army (NPA), nasa kanilang kustodiya ang dinukot na provincial jail warden ng Compostela Valley na si Jose Mervin Coquilla makaraan dukutin noong Disyembre 23 sa labas ng kanyang bahay sa Panabo City.

Ayon sa isang nagpakilalang tagapagsalita ng NPA na isang Aris Francisco, hawak nila si Coquilla at kanilang isasailalim sa imbestigasyon.

Ito’y batay sa isang pahayag na ipinadala ng tagapagsalita ng NPA sa pamamagitan ng electronic mail (e-mail)

Sinabi ni Francisco, dagsa ang reklamo na kanilang natatanggap hinggil sa maanomalyang mga aktibidad ni Coquilla bilang pinuno ng provincial jail.

Kabilang sa inihaing mga reklamo ng ilang complainants laban kay Coquilla ay ang mga sumusunod: “willful negligence in the supervision of inmates; his direct and indirect, overt and covert participation in drug trade at ang paggamit ng illegal na droga sa loob ng Compostela Valley jail.”

Inihayag din ni Francisco na bukod sa nasabing mga illegal na aktibidad, corrupt din aniya ang nasabing opisyal at kinukunsinte ang ‘physical abuse’ ng jail guards sa mga preso.

Samantala, inihayag ni Chief Insp. Levitico Estay, Davao del Norte police spokesperson, nais ng NPA na magkaroon ng ‘swapping’ sa isa nilang miyembro na nakakulong sa Compostela Valley provincial rehabilitation.

Ito’y batay sa naging pahayag ng asawa ni Coquilla na unang pinalaya ng NPA. Bilin aniya sa kanya na nais nilang mapalaya ang isa nilang kasamahan.

Ngunit tumangging pangalanan ni Estay kung sinong NPA inmate ang nais nilang palayain.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *