Monday , November 29 2021

7-anyos anak ng GRO bugbog-sarado sa kaaway ng ina

110414 child abuseNAGA CITY- Bugbug sarado ang isang bata makaraan saktan ng tatlo katao na nakaaway ng kanyang ina sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Joy Andrade, negosyante; Michael Bacolod Dela Cruz, 39, taho vendor, at Bernardo Palaganas, 46-anyos.

Nabatid na dakong 9 p.m. noong Disyembre 24 nang iwan muna ang batang babae ng kanyang ina sa isang videoke bar na kanyang pinagtatrabahuhan bilang isang GRO.

Ngunit nang makabalik ang ina ay nagulat nang matagpuan duguan ang bata sa loob ng banyo.

Sa salaysay ng bata, hinila ng suspek na si Mary Joy ang kanyang buhok habang si Michael ay piniringan siya sa mata at sinuntok ang kanyang tiyan.

Hindi pa nakuntento, binusalan ni Bernardo ang bibig ng biktima gamit ang isang tuwalya at brown tape.

Binantaan din nila ang biktima na papatayin ang ina ng bata kapag nagsumbong.

Una rito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ina ng biktima at ang mga suspek.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children.

About hataw tabloid

Check Also

Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent …

Manggagawa magbabayad sa CoVid testing hindi patas — Bayan Muna

UMALMA si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares sa polisiya ng gobyerno na ang uring manggagawa …

Travel Ban Covid-19 Philippines

Duterte admin hinimok magbantay vs Omicron variant

NANAWAGAN si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D., chairperson ng Committee on Health sa pamahalaan …

Mandatory face shield policy posibleng ibalik

MAAARING pairalin muli ng pamahalaan ang mandatory face shield policy bunsod ng banta ng Omicron …

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang atakehin sa puso dahil sa takot habang ginigiba ng …

Leave a Reply