Thursday , December 9 2021

Mugshot ni Pemberton inilabas na ng PNP

122214 pembertonMAKARAAN sumailalim sa booking procedure, ipinalabas na ng Philippine National Police (PNP) sa Olongapo City ang kuhang mugshots ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude a.k.a. Jennifer noong Oktubre 11.

Sa pagtungo ni Pemberton sa Olongapo City Regional Trial Court nitong Biyernes, hindi siya nabasahan ng sakdal ngunit sumailalim siya sa booking procedure gaya ng pagkuha ng mugshots, finger printing at physical and medical examination.

Gwardiyado si Pemberton ng mga tauhan ng US Naval Criminal Investigation Service (NCIS) nang magtungo siya sa korte hanggang maibalik sa kanyang kulungan sa Kampo Aguinaldo.

Sa kabilang dako, tinanggihan ng United States government ang hiling ng Philippine government na ilipat ang kustodiya ni Pemberton na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng JUSMAG sa loob ng AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ngayong Lunes, Disyembre 22, itinakda ng korte ang arraignment sa kaso ni Pemberton.

Inaasahan na rin ang paghigpit ng seguridad ng mga operatiba ng PNP partikular sa bisinidad ng Olongapo City Regional Trial Court.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

SMC Isla Pulo San Miguel DENR

SMC tumutulong sa natitirang Metro old growth mangrove forest para protektahan

DADAGDAGAN ng San Miguel Corporation ang volunteers mula sa kanilang hanay para tulungan ang Department …

Sunshine Cruz

Sunshine ‘di tumatanda — Wala kasi akong problema

HATAWANni Ed de Leon HINDI na yata tumatanda si Sunshine Cruz? Aba kung titingnan mo ang kanyang picture …

Leave a Reply