Hernani, E. Samar nilindol

122214 hernani samarNAYANIG sa magnitude 5.5 na lindol ang Eastern Samar dakong 8:25 a.m. kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa layong 79 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Hernani.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa intensity I sa Tacloban City at Catbalogan City.

Habang walang inaasahang pinsala sa lindol ngunit ayon sa Phivolcs, posibleng magkaroon ng aftershocks.

Sa unang pagtala ng Phivolcs, magnitude 5.8 ang lindol.