Xian, iniiwasang ma-intimidate sa pagkakapalit kay Lloydie
ni Roldan Castro
MALAKING challenge kay Xian Lim na pagbutihin ang kanyang acting sa bagong serye na kasama sina Maja Salvador at Jericho Rosales. Unang-una magagaling ang mga kasama niya kaya dapat ay hindi siya malamon ng buong-buo.
Pangalawa, ito ang role na supposed to be ay para kay John Lloyd Cruz na nag-back-out siya sa proyekto dahil hindi pa naaayos ang kontrata niya sa ABS-CBN 2.
Sa pakikipagtsikahan kay Xian sa presscon ng pelikulang Past Tense with Kim Chiuat Ai Ai delas Alas ay inamin niyang may pressure talaga dahil intended for Lloydie. Pero pinipilit niya sa sarilingβwag ma-intimidate. Pagbubutihin daw niya laloβt winelcome na rin siya ni Jericho sa nasabing serye.
Talbog

