Gerald, bigay ng Itaas kay Ai Ai
ni Roldan Castro
KASABAY ng kaarawan ni Ai Ai delas Alas ang presscon ng kanyang pelikulang Past Tense na kasama sina Kim Chiu at Xian Lim. Fifty years old na siya.
Ang boyfriend niyang si Gerald Sibayan ay 20 years old pa lang. Hindi naman big deal kahit malaki ang tanda niya sa bagong minamahal.
βAng pag-ibig naman, wala βyan sa edad, eh. Dumating siya sa buhay ko ngβ¦ siguro ibinigay siya sa akin kasi hindi ko naman ini-expect βyun eh,β deklara niya.
ββYun βyung time na ayoko na talagang mag-boyfriend. Pero noong dumating siya, may mga bagay pala na, βA, may mga mababait palang lalaki talaga.β Or mayroon pala talagang lalaking para sa iyo.β Siguro, yun βyon,β dagdag pa niya.
Tinanong si Ai Ai kung ano na ang naibigay niya sa bagets na boyfriend.
Madiin niyang sinabi na βSo far, wala. Siya pa nga ang nagbigay sa akin ng Gucci.β
βYun na!

