Thursday , June 4 2026

Hi-tech solution sa paghahanda vs kalamidad

052414 yolandaSA GITNA ng puspusang recovery at rehabilitation program ng pamahalaan para sa mga survivor ng super typhoon Yolanda sa Kabisayaan, patuloy rin ang paghahanda sa posibleng kalamidad na maaaring humagupit muli sa alinmang bahagi ng bansa.

Bagamat walang teknolohiya ang makapipigil sa pagdating ng mapinsalang bagyo sa bansa, may makabagong teknolohiya na makatutulong sa paghanda ng taong bayan sa anumang kalamidad.

Alinsunod sa disaster preparedness na ipinatutupad sa lahat ng lokalidad, inialok ng technology provider Smartmatic ang isang “proactive solution” na tinaguriang “Unified Security Platform (USP).”

Kilala ang kompanyang Smartmatic na nag-supply ng precinct count optical scan (PCOS) machines sa matagumpay na pagpapatupad ng automated election system (AES) sa bansa noong 2010 presidential election.

“Ang Smartmatic Unified Security Platform ay isang proactive solution na tiyak na makatutulong sa atin na maiwasan ang napakalaking pinsala at pagbubuwis ng buhay ng tao,” sabi ni Cesar Flores, president, ng Smartmatic for Asia-Pacific.

Tinukoy ni Flores ang pagdating ng may 20 bagyo taon-taon sa bansa kaya kinakailangan ang puspusang pagpaplano at palagiang paghahanda sa pamamagitan ng monitoring mula sa national at local level.

Ayon kay Flores, ang Smartmatic USP ay isang “scalable, flexible technological platform that allows the interconnection of various security modules under the same operating environment. It can centralize the operations of systems such as emergency call response and mobile unit dispatch, remote video surveillance and telemetry making operating procedures more agile and responsive.”

Napapaloob sa Smartmatic USP ang mga sumusunod: communication, control and command center, emergency handling and dispatching, resource management, urban monitoring, alarms and early environment warnings.

Kasalukuyang ginagamit ang Smartmatic techonological solution systems sa Europe, Asia, Africa, Latin America at sa United States. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …