Thursday , June 4 2026

Negosyateng Intsik todas sa katiwala

030314 dead tubo pipeDAGUPAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang pamilya ang negosyanteng Instik mula sa lungsod ng Maynila, sa kanilang inuupahang farm sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan.

Halos hindi na makilala ang biktimang si Luciano Kho, 78, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Macarang sa nasabing bayan nang makita ng kanyang mga kaanak sa loob ng babuyan dahil sa matinding sugat sa kanyang ulo.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kinompronta ng biktima ang suspek na si Jonie Abucol, tubong Bicol, dahil sa nawawalang feeds na pagkain ng mga alaga niyang baboy bagay na ikinagalit ng katiwala.

Bunsod nito, binugbog ng suspek ang negosyante bago pinalo ng tubo sa ulo na tuluyan niyang ikinamatay.

Sa ngayon, tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …