Thursday , June 4 2026

Gloria pwedeng makipaglamay at makipaglibing (9-day house arrest ibinasura)

110414 CGMAHINDI lubusang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagpanaw ng kanyang apo.

Ibinasura ng First Division ng anti-graft court ang hiling ni Arroyo na ma-house arrest sa loob ng siyam araw.

Katwiran ng korte, mabigat ang kasong plunder na kinahaharap ng dating pangulo at nangangailangan ng atensiyong medikal kaya naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Gayonman, dahil sa humanitarian considerations, pinayagan si Arroyo na makadalaw sa burol ng apo sa Forbes Park sa Makati City simula kahapon, Martes, Nobyembre 4 hanggang Linggo, Nob. 9 ngunit mula 12 p.m. 10 p.m. lamang.

Maaari ring dumalo si Arroyo sa libing ng apo sa Nob. 10 mula 7 a.m. hanggang 3 p.m.

Sa dalawang pahinang desisyon ng Sandiganbayan, nakasaad ding pagkakalooban ng Philippine National Police (PNP) ng kaukulang seguridad si Arroyo ngunit ang akusado ang magbabayad sa lahat ng gastusin sa biyahe.

Bawal siyanng magpaunlak ng panayam sa media at gumamit ng communication gadgets.

Matatandaan, sa orihinal na hirit ng dating pangulo, nais niyang ma-house arrest ng siyam na araw sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City at araw-araw na makadalaw sa burol ng apo, pati sa libing sa Makati.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …