Friday , May 17 2024

Malaya naging malayang-malaya

00 rektaNaging malayang-malaya na nakalayo ang kabayong si Malaya sa naganap na 2014 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Mainam din ang kanyang tinapos na tiyempong 1:49.0 (13’-23-23-23-26’) para sa distansiyang 1,800 meters dahil pagsungaw sa rektahan habang lumalayo ay nakapirmis lamang sa ibabaw ang hinete niyang si Unoh Basco Hernandez, kaya umasang may maipapakita pang buti si Malaya sa mga susunod na pagsali niya. Congrats sa owner niyang si Mandaluyong City Mayor Benhur C. Abalos Jr.

Nitong nagdaang Sabado ay may nasilip pa akong mga kalahok sa huling apat na takbuhan at maaari nating magamit bilang gabay. Conqueror at King Patrick – mainam ang nagawang diskarte at kaya pang makasungkit ng premyo sa sunod na laban. Role Model at Putting Eagle – tamang alalay lang kapag nagiging isa sa mga paborito sa kanilang nasasalihan, dahil tila nagiging kasado lang sa timbangan at nagiging puhunan ang pagparemate sa kanila.

Mga kabayong sina Dwindwindwin, Mi Esperanza, My Queen, Walk The Talk at Overwhelmed ay tila mga nag-ensayo lang sa aktuwal na karera ? Habang sina Andalucia, Bualan at Lifetime ay lagi lang isama sa listahan, lalo na kapag nasa SLLP.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *