ISA na namang TV host/actor ng Kapamilya network ang nasangkot sa eskandalo nitong weekend sa Taguig — si Billy Joe Crawford.
Noong una si Vhong Navarro na nabugbog dahil sa umano sa tangkang panggagahasa kay Denice Cornejo, tapos si Anne Curtis na nagwala sa isang bar sa the Fort at ngayon si Billy naman na pare-parehong sa Bonifacio Global City (BGC).
Hindi na bago sa atin ang balitang ito.
Hindi pa natin nalilimutan ang itsura ni Billy nang makita natin siya sa Boracay noong nakaraang Summer (May 2014) nang magkaroon ng party/show ang Vans #vansrocksboracay4.
Nag-post noon si KC Montero sa kanyang Instagram ng retrato ni Billy na tila nagho-host o nagra-rap pero halatang-halata ang nangingitim at malaking mata ni Billy.
Pinuna rin ang laki ng eye bag ng TV host. Mayroon pa ngang lumabas na komento na ganito: @jastori, He looks high im laughing; @vavavoomchie, The hairline & the eye bugs tho!; @jongie_myleen, Ma-tulog din Pag May time @billyjoecrawford.
Ibig sabihin, marami na ang nakahahalata na mukhang nasosobrahan sa pagpupuyat, o pag-iinom o iba pang napagkakatuwaang bisyo si Billy boy.
Matagal na nga nating hinahamon ‘yang group of artists sa Kapamilya network na magpa-drug test para ipamukha nila sa publiko na hindi sila involve sa ano mang masamang bisyo.
Gaya ng isang talent nila na nagtangkang tumalon sa SOGO hotel dahil may papatay raw sa kanya.
Aba ‘e pambihira ang ginawa ni Billy Crawford nang i-submit niya ang kanyang sarili sa pulisya for safekeeping dahil baka kung ano pa raw ang masamang bagay na magawa niya.
What the fact!? Ganyan na ba ka-paranoid si Billy!?
Ano bang tinira mo bata!?
Pero nang mainip dahil hindi pa siya ipinapasok sa loob ‘e bigla nang nagwala.
Ano ba ‘yun? Dr. Jekyll and Mr. Hide?
Unsolicited advice lang po sa Kapamilya network, alamin n’yo rin ang emotional at mental status ng mga artista ninyo.
E kapag sumama naman ang image ng mga ‘yan hindi n’yo na kukunin ang mga ‘yan ‘di ba?!
Tulungan n’yo rin sila na huwag maligaw ng landas.
Para naman happy talaga ang audience ninyo kapag showtime!
ALIAS BANBAM AT KAPITAN SALOT SA DIVI VENDORS
SIR kaya pala untouchable si “BANBAM” Queen kotong sa night market vendors ng Divisoria ay isang Senior Inspector na nakatalaga sa MPD ang kamag-anak at tongpats n’ya.
Alam mo Sir Jerry hirap na hirap na po kami sa pangongotong ni BANBAM na sa bawat isang vendor dito sa kanto ng Recto at Juan Luna sa Tondo, Maynila ay puwershan po kami kinokolektahan ng beinte piso, para raw sa kanyang uncle na si P/Senior Inspector ng MPD.
At kapag kumontra kami sa halagang hinihingi niyang tongpats ay ipinapahuli kami sa kanyang uncle kapitan.
Sana Sir Jerry matulungan mo po kami matuldukan na ang kawalanghiyaan ni BANBAM sa aming mga vendor dito sa Divisoria .
Nagreklamo kami kay Supt. Jakson Tullao, hepe ng MPD PS2 ngunit taingang-kawali lang sa aming reklamo.
At laging ipinapakita ni Banbam sa mga opisyal ng MPD at Bgy. officials at vendor ang retrato nila ni Manila Mayor Estrada na siya raw ay ubod nang lakas sa alkalde ng Maynila.
Kaya raw takot si Supt. Jackson Tulliao kay BANBAM na maisumbong siya kay Erap .
Kaya pikit-mata na lang sila na mangolekta si Banman dahil mawawala ang ibinibigay niyang P20,000 kada linggo sa estasyon mula sa kotong sa vendor. Gumagalang Vendor sa Divisoria. – aling [email protected]
OBSTRUCTION SA NAIA T2 ANG MONEY CHANGER STALLS
LAST week ay bahagya nating ‘pinitik’ ang sitwasyon sa Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) T-2 hinggil sa nagsulputang money changer stalls at dumaraming solicitors at barkers ng iba’t ibang transport concessionaires.
Maayos na ang pwesto ng transport personnel sa bahaging Bay 20 ng Arrival Curb side Area. Salamat sa maagap na aksiyon ng MIAA management ng T2.
Kaya ngayon ay nagtitiyaga na lamang ang mga transport staff sa dulong bahagi ng lugar na inilaaan sa kanila para hindi na magmukhang talipapa/palengke ang nasabing paliparan.
But, sad to note na imbes isaayos ang money changer stalls ay ipinasok pa ito nang husto sa mismong malapit sa exit/entrance ng Arrival Customs Area mula sa ilalim ng hagdan ng airport lobby.
What the fact!?
Sino kayang pa-bright-bright boy ang nag-urot ng idea na ito? Hindi kaya galit ‘yun sa NAIA T2 Manager?
Imbes paluwangin ang lobby ay bina-block pa kaya kaya nagmumukhang masikip ang area.
Instead na i-address ang solution sa suppose to be forthcoming problems ay parang sinasadya yatang iusad palapit sa nagsisikip na maliit na espasyo sa lobby.
Para bang sinasadya na ipakita nila na ‘di na baleng makaperhuwisyo basta ang mahalaga ay kumita lamang ang concessionaire ng money exchange stalls!?
What the fact!?
Hinaharangan pa ang paningin ng mga turistang dumarating sa T2 para makita ang magandang tanawin sa labas ng paliparan. Hindi ba paglabag ito sa karapatan ng mga turista at maging ng mga balikbayan na kaagad mabungaran ang bansa?
Kung nakabara ang money exchange stalls, ano nga naman ang makikita pang tanawin?
Ang nasabing lugar ay nagka-clogged tuwing noontime flights na halos sabay-sabay na nagdaratingan ang Middle East aircrafts ng Philippine Airlines.
Wala pang BER months kung kaya’t pwede pa itong i-tolerate nang konti.
How much more pagdating ng Christmas Season na inaasahang dadagsa pauwi ang overseas Filipino workers (OFWs) at balikbayan sa nabanggit na airport terminal.
Mag-esep-esep nga kayo mga Bossing!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com